Sining . Maaring sa pagguhit, pagsusulat ,musika o pagarte at pagtatanghal. Ilan na lamang ba ang maituturing mo alagad ng mga sining na ito? Ilan na lamang ba ang makukuha mong kakanta, susulat, aarte "for the love of the craft"? Nakakalungkot isipin minsan na kinakailangan isang tabi ng iba ang passion kasi kailangan gumawa ng paraan para umangat sa buhay. Ilan kaya ang mga nasabihan na "Walang pera dyan sa ginagawa mo itigil mo na yan " o kaya naman " Wala kang mapupuntahan diyan tigil tigilan mo na yang pangarap mo"? Nakakalungkot isipin alam kaya nila na hindi madali gumawa ng kanta, hindi madaling tumayo sa harap ng madaming tao at magperform? hindi madali na magsulat ng isang makabuluhang libro o likhang panitikan. It takes skill, it takes training and passion to be able to pull off a good performance and a masterpiece. It takes only the best to make it through.
Paano ka magiging "best" kung isusuko mo ung sinasabi mong "passion"? Subok lng ng subok, ksi kung naniniwala ka na "meant to be"mangyayari naman talaga un eh hindi lang siguro sa lalong madaling panahon kasi mangyayari un sa tamang panahon. Madaming pagsubok na dadating, karamihan dito ibababa ka and will try to brainwash you to quit with your passion. Sana nga lang ganun katindi ang "passion" na meron ka para yun mismo ang maging inspiration mo para magtrabaho mabuti at wag sumuko sa pagabot ng pangarap mo.Kung masaya ka naman at pinapasaya ka ng "passion" mo then ano ang rason para hindi mo tahakin ang daan na yun? Kung magpapadala ka sa sasabihin ng iba at isusuko mo ang bagay na pinaka gusto mo at nagpapasaya saiyo. Sabihin na lamang natin na tatahakin natin ang daan na sinabi nilang tahakin mo. Ano na kaya ang gagawin mo pagkatapos mo na magawa yun para sa kanila? Babalikan at babalikan mo yung gusto mo, pero kasi minsan baka kapag binalikan mo huli na ang lahat. Ang tanging masasabi mo nalang sa sarili mo "Sayang, sana dati naipaglaban ko".
Para sa mga nangangarap maging Manunulat
Ang pagsulat ay hindi basta basta, maraming bagay na kailangan pagtuunan ng pansin bago ka makabuo ng isang malikhaing kwento. Una kailangan mo muna isipin kung ano ang espasyong sakop ng iyong kwento, kung anong klaseng mga bagay tao o hayop ang mayroon dito, kung paano sila gumalaw at magreact sa mga magaganap na sitwasyon. Isang pagsasaliksik at diskurso ang uunahin mo , pagkatapos ay para mailapat ang iyong kwento ay gagawin mo ang mundong iyong nakita sa iyong imahinasyon para makabuo ng isa pang dimensyon para sa iyong storya. Tsaka ka palang maglalapat ng mga karapat dapat na salitang magbibigay ng supporta sa kwento at character. magiging komplikado masyado kung iisa isahin ko pa ang proseso pero ang nais k olamang sabihin ay hindi siya madali at hindi ka basta basta makasulat lang. Kailangan may puso din o may parte sa iyong sarili ang nakakabit sa iyong materyal. Marming nangangarap maging manunulat, journalist at iba pa. Pero iilan lang ang nakakapasok sa industriya. Hindi rin naman rason ung hindi mo pagpasok sa industriya para itigil mo ang nais mo sa pagsulat. Marami pa ang pinto na bubukas para magbasa ng iyong likha. Timing lang, Sulat lng ng Sulat. Sa tamang panahon mangyayari ang lahat para sa iyo. Huwag kayong magsisi na pinili niyo ang kursong iyan kung iyan talaga ang gusto niyo at nasa puso ninyo.
Para sa nangangarap maging parte ng produksyon
Marami ang maaaring gawin para maging parte ng isang produksyon. Mahirap makapasok sa mga produksyon pero apply lng ng apply at pagnabigyan na ng opportunity wag mo na itong palampasin. Kasi minsan isang beses lang kumakatok ang magagandang opportunity. Marami din division meron ang isang produksyon pero mas mainam na gawin ay piliing matutunan ang trabaho ng lahat. Pano? eh di magsimula ka sa pagiging assistant ng lahat. Ipakita mo sa kanila kung ano ang kaya mo gawin mamamalayan mo nlng nandun ka na pala.
Para sa mga nangangarap sa larangan ng Musika.
Maaring bilang ikaw ang magsusulat ng kanta o ikaw ang kakanta, pero maaari din namang ikaw ang susulat ng sarili mong kanta at maglalapat ng musika para dito.Karaniwan may napapanuod ako sa mga pelikula at teleserye na mga eksenang, Ang isang anak mayaman, nahihilig sa musika at gustong tahakin ang mundo na ito pero ang kanyang mga magulang nais siyang maging abogado. Aminin marami tayo napapanuod na ganyan, pero tingin ko nangyayari din ito sa kahit sino na nagnanais maging singer o musikero. Anung kailangan gawin? eh di kanta lng ng kanta, kung gusto mo magsulat eh di sulat lng ng sulat. pero siyempre kailangan din may training kailangan din hinahasa mo ung galing mo kaya nga may iba't ibang trainign school na kaya ka iboost at turuan. Isa na dito ang Center for Pop Music Philippines. Dito marami ako nakasama sa pagsubok at pagaaral sa pagkanta, bukod sa napakagaling magturo ng head coach nila na si Coach Prince Kho, kasama na sa training niya ang pagboost up sayo at paginspire na ituloy mo kung ano pinapangarap mo. It takes the right mentor to succeed din sa kung ano ang plano mo para sa pangarap mo. at ang tamang tao na paniniwalaan mo. kasi ang mundo ng musika showbiz din yan. Tiyaga tiyaga lng sa pagkanta at musika darating din ang panahon na may makakadiskubre sa talento mo. Sabi nga noon saakin nung bass guitarist ng Callalily na si Aaron Ricafrente "tiyaga ka lang ituloy mo lang yan,"
Para sa mga nangangarap maging Artista.
Para maging artista ka you have to be an artist. Ang pagaartista hindi siya tungkol sa pagiging glamorosa. mahirap na bagay kung tutuusin kasi ang dami mo kailangan isakripisyo. Una kailangan mo magbigay ng napakaraming effort at oras para patuloy na matutunan ang pag arte kasi hindi naman ito basta basta kung gusto mo talagang maging magaling na artista. kinakailangan ng effort para makaramdam ka at maramdaman mo kung ano ang hinihingi ng iyong karakter. Habang hinahasa mo ang iyong kakayahan sa pagarte isabay mo narin ang pagsusubok na makakuha ng mga role at maipakita ang kakayahan mo. siguro sa dami ng naghahangad na maging artista mas magiging maliit ang pagkakataon para sa mga baguhan na nangangarap. Pinakamahirap na siguro ang magsimula sa industriya ng entertainment kaya kailangan best effort lagi ang pinapakita mo. Pero kapag naman naiapak mo na ang iyong mga paa papasok sa mundong ito mas mahirap pa ang manatili sa industriya. Lahat ng mata nakatingin na sayo, bawat galaw mo ay binabantayan. Kaya tamang paguugali lamang ang mayroon ko ugali ng isang artist, hindi ng isang artista. Professional lang alam mo ang iyong hangganan at alam mo dapat ang iyong responsibilidad bilang Artist. Sa pagdaan ng panahon di mo maiiwasan ang batikos at marami pang mga bagay, pero nasa saiyo parin iyon kung pano ka dapat magbibgay ng reaksyon, Alam mo naman kung ano ang totoo sa sarili mo. Ilan pa lamamng yan at base sa aking mga nararanasan sa maikling panahon na tinatahak ang daan ng industriyang ito alam ko marami pa na mga pagsubok na mas mahirap ang kailangan lampasan. Kakayanin, bsta passion, basta may puso naman kakayanin hindi ba? Para sa pangarap. Para sa mga kapwa ko nangangarap magsimula sa industriyang ito tanungin niyo muna ang inyong mga sarili kung bakit at paano niyo gusto tahakin ang mundong ito. Kahit papaano dapat may kakaunting plano at back up na plano kang nakahain para sa buhay mo.
Lahat naman siguro hindi madali sa umpisa. Lahat kailangan may timing. Lahat ng bagay nangyayari ng may rason, di man natin alam ngayon kung anong rason balang araw sa pagdating ng panahon malalaman rin natin."Never Give up! No Pain No Gain" lang sa lahat ng bagay. Basta gusto mo , mahal mo ,masaya ka eh di go for it! Yung Pasion and love for the craft mismo anf magdadala sayo sa pinapangarap mo. Keep on chasing for the dreams everyone. everything may just be the start, It is you who will be the means to the end, so if you stop chasing your dream it is also you who will stop from making it happen"
I guess ill stop here. Thoughts just overflowing, im just so happy & inspired i just wanna share things to all of you:) I hope you got something worth it:)
Take Care Everyone!
XOXO NICOLE
No comments:
Post a Comment